• Malou Manuel

Alvin Patrimonio, Lolo Na!


Photo from Facebook/alvin.patrimonio

Excited na ang four-time MVP na si Alvin Patrimonio sa pag labas ng kanyang kauna unahang apo. Si Patrimonio ay team manager ngayon ng Magnolia Hotshot Pambansang manok.

Sa susunod na buwan ay nakatakdang manganak ang pangatlong anak na si

Clarice Patrimonio. Babae ang magiging apo ni Cap Alvin na sa ngayon pa lang ay pinag hahandaan na. ang pag labas ng kanilang princess.

Hindi lamang si team manager Alvin ang sabik na makita ang bata kundi ang kanyang wife na si Cindy Patrimonio at mga kapatid na sina Angelo, Anna Christine at Asher.

Ayon nga sa new Lola Cindy ay magiging tennis player rin ang magiging apo niya. Kahit ilang buwan na kasi ang tiyan ng anak na si Clarice ay patuloy pa rin itong naglalaro ng Tennis.

Si Clarice ay lumaban noong 2018 sa SEA GAME at nakakuha ito ng Silver Medal.


Makikita ng mag asawa ang kanilang unang apo ngayong Setyembre.