• Tj Ovivir

American Rapper Kanye West, Tatakbo Bilang Presidente ng US


Inanunsyo ng sikat at premyadong rapper sa Amerika na si Kanye West na tatakbo siya sa darating na November 2020 elections bilang presidente ng Estados Unidos.

Sa kanyang tweet, sinabi niya na uunlad ang kanilang bansa sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos, pagkakaisa at pagsisikap para sa hinaharap kaya tatakbo siya sa pagkapangulo.


Noong 2019, matatandaang sinabi niyang nakikita niya ang panahon kung saan siya ang presidente ng United States at tatandaan niya ang mga taong hindi naiintindihan ang kultura at pinagmumulan ng bawat tao sa Amerika.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng kompirmasyon si West, na isang Trump supporter, kung totoo at seryoso siya sa bagay na ito.