Anim na Bagong Sintomas ng COVID-19, Pinag-aaralan na ng DOH
Idinagdag sa listahan ng Centers for Disease Control and Prevention ng United States ang anim na posibleng bagong sintomas ng nakamamatay na corona virus disease 2019 habang sinusuri ng mga health experts ang pag-usbong ng sakit.
Lumitaw sa listahan ng CDC ang chills, repeated shaking with chills, muscle pain, headache, sore throat at loss of taste or smell na kabilang sa mga bagong sintomas ng COVID-19. Kung saan nauuna dito ang lagnat, ubo at kapos na paghinga.
Kabilang din umano ang pangingitim ng mga paa at daliri o tinatawag na “COVID Toes” ng isang infected na pasyente sa isang pag-aaral.
Dahil dito patuloy na kinakalap at pinag-aaralan ang mga impormasyon ng naturang sakit ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at Technical Working Group ng Department of Health.
