Anim na Dagdag-Ruta sa mga Bus, Binuksan na Ngayong Linggo sa Metro Manila

Habang pahirapan at mistulang pagpasok sa butas ng karayom ang pagcocommute sa Metro Manila, pinayagan ng Department of Transportation (DOTr) na mag-operate ang karagdagang anim na ruta ng bus simula ngayong linggo.
Ayon sa DOTr, maaari nang bumiyahe ang mga bus simula ngayong araw papuntang Ayala-Alabang, Ayala-Biñan, Laguna at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)-Trece Martires, Cavite.
Samantala, magbubukas naman sa huwebes ang mga ruta ng bus mula PITX-Sucat, PITX-Naic at PITX-Cavite City.
Ayon sa DOTr, ang unti-unting pagbibigay pahintulot sa operasyon ng anim na karagdagang bus ay paraan ng gobyerno upang buksan ang normal na public transport system sa Maynila.
Samantala, idiniin pa din ng kagawaran ang kahalgahan ng social distancing sa loob ng kahit anong pampublikong sasakyan kahit nasa ilalim pa rin ng general community quarantine ang Metro Manila.