Anim na Turista sa India, Tumira sa Kuweba Nang Halos Isang Buwan

Updated: Apr 24

Nagulat ang mga researchers sa India nang matuklasan ang anim na turistang nanirahan sa isang kuweba sa bayan ng Rishikesh, Uttarakhand, India nang halos isang buwan.


Ayon kay Uttarakhand Police Spokesperson Mukesh Chand, ang grupo na kinabibilangan ng apat na lalaki at dalawang babae mula sa France, Turkey, Ukraine, Ustados Unidos, at Nepal, ay unang tumuloy sa isang hotel bago sila naubusan ng pera at nagdesisyong tumira sa loob ng kuweba.


Dagdag pa ni Chand, nagsimula umano manirahan ang mga turista sa kuweba mula ika-24 ng Marso bago sila nahanap ng mga awtoridad at isinailalim sa quarantine nito lamang ika-20 ng Abril.