Anti-COVID Discrimination Bill, Pasado sa Kamara

Aprubado na sa House of Representatives ang House Bill No. 6817 na naglalayong parusahan ang mga gagawa ng COVID-related discrimination.
Dalawang daan at apat (204) na mambabatas ang bumoto para sa pag-apruba nito, walang hindi sumang-ayon at isang ang hindi bumoto.
Layunin ng panukalang batas na parusahan ang sinumang gagawa ng COVID-related diskriminasyon laban sa mga COVID patients, umuwing overseas Filipino workers (OFWs) at COVID frontliners o kanilang pamilya.
Ang mga lalabag ay pwedeng makulong ng anim (6) hanggang limang (5) taon at magmumulta ng P50,000 hanggang P500,000. Samantalang makukulong ng nasa sampung (10) taon at magbabayad ng P200,000 hanggang P1 milyong multa ang gagawa ng harassment.
Samantala, Nakabinbin na ngayon sa Senado ang senate version ng panukalang batas.