top of page

Anti-Polio Vaccination ng DOH, Sinimulan na sa Mindanao


Kahit hinaharap ng bansa sa kasalukuyan ang laban kontra COVID-19, tuloy pa rin ang mass anti-polio vaccination campaign ng Department of Health (DOH) sa mga batang limang taon pababa sa Mindanao.

Ayon sa DOH, bumaba ang polio vaccination rate ng bansa ng 7% sa unang tatlong buwan ng taon kaya't sinimulan na ng kagawaran ang malawakang pagbabakuna laban sa sakit na ito.

Ang proyektong ito ay tinawag na Sabayang Patak Kontra Polio, at naging posible ito dahil sa tulong at pakikipag-ugnayan ng kagawarang pang-kalusugan ng World Health Organization at United Nations Children’s Fund.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na malalabanan pa din ang polio gamit ang bakuna kaya't mahalaga na hindi masayang ang mga nagawa na ng pamahalaan upang kaharapin sa kabila ng krisis na nararanasan ng bansa.

bottom of page