top of page

Anti-terror Bill, Aaralin ulit ng Malacañang Legal Team bago umabot kay Pangulong Duterte


Photo from pcoo.gov.ph

Ipinaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa ring pinag-aaralan ng Malacañang legal team ang kontobersiyal na Anti-terror Bill at hindi niya pa ito binabasa.

Ayon kay Duterte, automatic raw niyang binibigay ang mga panukalang batas sa legal team ng palasyo at sila na ang magbabalik sa Senado kasama ang kanilang rekomendasyon.

Layunin ng anti-terror bill na pag-igtingin ang Human Security Act of 2007 at parusahan ang lahat ng magmumungkahi, mag-uudyok, at makikilahok sa kahit ano mang proseso ng terrorist acts.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na gusto ni Pangulong Duterte na isabatas na ang bill ngunit hinihingi at isinaalang-alang din ng pangulo ang lahat ng legal advice na kaniyang makukuha mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

bottom of page