Anti-Terror Bill, Nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na Anti-Terror Bill, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Una ng sinabi ni Roque na nasa legal team na ng Pangulo ang kontrobersyal na panukalang batas batay na tinututulan ng marami dahil sa malalabag umano nito ang karapatang pantao.
Ilan sa kinatatakutan sa nasabing batas ay ang pagkulong sa suspek na terorista sa loob ng mahigit 24 na araw ng walang warrant of arrest at pormal na kaso.
Matatandaang kailan lang ay nakiusap si United Nations Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na huwag ng lagdaan ng pangulo ang panukalang batas dahil magbibigay ito ng malabong interpretasyon sa pagkakaiba ng critism, criminality at terrorism.