Anti-Terrorism Bill, Sinertipikahan bilang Urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill no. 6975 na mag aamyenda sa Human Security act of 2007.
Ito ay ayon sa sulat na pinadala ng Pangulo kay House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan nung nakaraang linggo, pinagtibay na ng House Committees on Public Order and Safety at Defense and Security ang bersyon nito mula sa Senado.
Sa ilalim ng iminumungkahing Anti-Terrorism Act, ang sinumang taong mapatunayang nagbabanta na gumawa ng terorismo at magmumungkahi ng anumang klaseng kilos terorista o mag udyok sa iba na gumawa ng terorismo ay mahaharap at mapaparusahan ng pagkakakulong na aabot sa 12 taon.
Una ng sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang dapat na ikatakot sa iminumungkahing Anti-Terrorism Act. May mga iminumungkahing rin umano sila maging mga sanctions para sa mga uniformed personnels na mang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.
Nakapaloob rin daw na provisions sa panukalang batas tungkol sa karapatang pantao na nakapaloob sa Anti-Terrorism Act.
Matatandaan umani ng negatibong reaksyon at nagdulot ng pangampa sa publiko ang naging pagsertipika ni Pangulong Duterte sa House Bill no. 6975 o Anti-Terrorism Act.