top of page

Apat, Patay Matapos Uminom ng Hand Sanitizers


Ipinahayag ng US Centers for Disease Control (CDC) na apat na ang nasawi, habang ang iba naman ay naapektuhan ang paningin o inatake ng seizure, nang makalunok ng hand sanitizer.

Ayon sa CDC, 15 katao na sa dalawang estado ng US, mula Mayo hanggang Hunyo, ang isinugod sa ospital sa matapos makainom ng alcohol-based hand sanitizer.

Pinaalala naman ulit ng ahensiya na hindi pwedeng pamalit sa alak o alcoholic drinks ang sanitizers at maaari itong magdulot ng methanol poisoning.

Dagdag pa ng US Food and Drug Administration na hindi tulad ng ethanol na ginagamit sa ibang alcohol, ang methanol ay toxic at maaari pang makalason sa balat.

bottom of page