top of page

Araw, Muling nasa Ilalim ng 'Solar Minimum' Matapos ang Mahigit 300 Taon

Nasa ilalim ngayon ng 'solar minimum' ang sun o araw, na nangyayari sa pagitan ng tig-11 taon.

Sa isang blog ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) Global Climate Change, Kapag ang araw ay nasa solar minimum, nangangahulugan ito na mas kaunti ang makikitang sunspots dito at mas mababa ang nirerelease na energy nito, na kabaligtaran naman ng solar maximum.

Namataan ang madaming bilang ng sunspots noong 2014, pakaunti nang pakaunti ang mga ito simula noong 2019.

Gayunman, hindi nangangamba ang NASA na magkakaroon muli ng ice age habang nasa solar minimum ang araw dahil sa mataas at malakas na human-induced greenhouse gas emissions na sapat lamang upang ma-maintain ang global temperature.

Samantala, huling naranasan ang pagbaba ng pandaigdig na temperatura dahil sa solar minimum noong 1650 hanggang 1715 na mas kilala bilang Little Ice Age sa Northern Hemisphere.



bottom of page