top of page

Archdiocese of Manila, Ipinatupad ang ECQ Protocols Ngayong Lunes


Manila Cathedral in Intramuros, Manila.

Pansamantalang ititigil ang public religious activities ng Archdiocese of Manila simula ngayong Lunes at ipatutupad ang mahigpit na protocols ng Enhanced Community Quarantine bilang tugon at suporta sa paghingi ng “Time Out” ng mga medical frontliners sa kabila ng lumulobong bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila Broderick Pabillo sa kanyang inisyung pastoral instruction nitong August 1, lahat ng simbahan at shrines na kabilang sa archdiocese ay kinakailangang mahigpit na susundin ang ECQ protocols ngunit magpapatuloy ang online religious activities.

Ani Pabillo, mahigit 80 medical associations ang naglabas ng saloobin sa pamahalaan at umaapela na magkaroon ng dalawang linggong “time out” at isailalim ang buong Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine restrictions kung saan may malaking naitatalang kaso mula sa sakit.


Nilinaw naman ng Archdiocese of Manila na hindi muna sila magsasagawa ng public religious activities mula August 3 hanggang August 14 ngunit tuloy parin ang religious activities sa pamamagitan ng online platforms.

bottom of page