Architect sa Taguig, Gumawa ng Disenyo para sa Post-COVID Jeepneys

Hindi pa man sigurado ang muling pagbabalik operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa buong Metro Manila, nakakasiguro naman ang Architect sa Taguig na may long-lasting effect ang pandemyang kasalukuyang nararansan, nakaisip ito ng paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero sa loob ng pampasaherong jeep.
Nakaisip ng alternatibong solusyon si Architect Jaecelle Marie Gecolea kung paano masusunod ang mga panuntunan sa health protocol ng gobyerno sa kabila ng COVID-19 habang umaarangkada na ang mga pampasaherong jeep sa kalsada.
Sa pamamagitan ng outfitted dividers at paggamit ng kurtina bilang pantakip ay maaari nang masunod ang social at physical distancing, ang timba o container naman ay pwedeng magsilbing lagayan ng pamasahe para maihatid ang bayad sa drayber mula sa pasaherong nakaupo at dapat tiyak na nasusunod ang 50% capacity rule sa pampublikong transportasyon.
Para kay Gecolea, isang oportunidad din ito upang maipamalas ng mga Pilipino ang pagiging malikhain at madiskarte sa kabila ng krisis na kinakaharap.