top of page

Artificial ‘White Sand’ sa Manila Bay, Mapanganib sa Kalusugan, Ayon sa DOH


Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa peligro ng paglanghap ng dolomite dust, na ginamit na artificial white sand sa Manila Bay, sa kalusugan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari itong magdulot ng mild respiratory irritation kapag nalanghap ang nasabing particles. Nagdudulot rin umano ito ng iritasyon sa mga mata na kinakailangan pang hugasan gamit ang tubig.

Kung malanghap at malunok, maaari din umano itong magdulot ng gastro intestinal discomfort, pananakit ng tiyan, at diarrhea base sa pag- aaral na nailathala sa pahayagan.

Sinabi rin ni Vergeire na hindi ibig sabihin nito ay makukuha na agad ng isang indibidwal ang mga karamdaman kapag nagpunta ng Manila Bay, ngunit pinayuhan niya ang publiko na magsuot ng face mask upang maiwasan ang mga ito.

bottom of page