top of page

Asteroid na Papalapit sa Earth, Natuklasan ng Dalawang High School Students sa India



Natuklasan ng dalawang high school girls sa India ang isang Asteroid na papalipad papunta sa ating planeta.

Nakita nina Radhika Lakhani at Vaidehi Vekariya, parehong Grade 10 students sa Surat, Gujarat, ang asteroid na kanilang pinangalanang HLV2514 habang ginagawa nila ang kanilang school project.

Kabilang sina Lakhani at Vekariya sa Space India-NASA project kung saan pwedeng pag-aralan ng mga estudyante ang mga imaheng kinunan ng isang telescope sa University of Hawaii.


Ayon kay Space India Senior Educator at Astronomer Aakash Dwivedi, tinuturuan ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang bahagi ng India kung paano humanap ng celestial bodies gamit ng isang software.

Ipinaliwanag ni Dwivedi na ang asteroid ay kasalukuyang malapit sa orbit ng Mars, ngunit sa 1 milyong taon, magpapalit ito ng orbit at gagalaw papalapit sa Earth.

Sinabi naman nina Vekariya na bagamat hindi sila makapagdiwang dahil sa pandemiya, ang pagtuklas raw ay isang karangalan at pangarap.

bottom of page