Astrazeneca Handang Mag-Supply Ng Potensyal Na Vaccine Laban COVID-19
Handa nang mag-supply ng mahigit sa one billion doses ng AZD1222 vaccine ang AstraZeneca na posibleng lunas kontra coronavirus disease sa iba’t ibang parte ng mundo sa darating na Setyembre.
Sa pakikipagtulungan ng Oxford University ay makakapag-provide ang AstraZeneca ng bagong bakuna laban sa virus na kasalukuyang umiiral sa buong mundo.
Lubos na pinasalamatan ng AztraZeneca ang gobyerno ng United Kingdom at United
States dahil sa suportang ibinibigay nito upang mapabilis ang proseso ng paggawa.
Nakatanggap naman ng $1 bilyong tulong ang AstraZeneca mula sa Biomedical Advanced Research and Development Authority (BARDA) para sa produksyon ng bakuna.
Ayon kay AstraZeneca chief executive Pascal Soriot, ang coronavirus ay inilalarawan niya bilang isang global tragedy at isang hamon para sa lahat, kung magpapatuloy ito ay madagdagan pa ang paghihirap ng mga tao at ekonomiya ng bawat bansa sa buong mundo.
Nagpapatuloy parin ang intensive research ng mga eksperto kasama ang 80 grupo sa iba’t ibang parte ng mundo para maka-diskubre ng posibleng lunas sa sakit na kasalukuyang kumakalat.
