Avigan Drug ng Japan Para sa COVID Patients, Gagamtin ng DOH!

Gagamitin ng Department of Health (DOH) ang Avigan (Favipiravir) mula sa Japanese Government na handang mag-supply para sa 100 COVID-19 patients na sasailalim sa clinical trial ng ahensya.

Magkakaroon ng protocols na susundin ang DOH sa pagpili ng ospital at pasyente, kinakailangan din makakuha muna ng ‘clearance’ ang mga pasyenteng lalahok bago sumailalim sa gagawing trial.

Inirekomenda ni Japan Prime Minister Shinzo Abe ang Avigan drug na potensyal umano sa paggamot ng coronavirus disease (COVID-19) at aniya nauna nang nagsawa ng ‘clinical trial’ ang China at sinasabing naging mabisa ito.



4 views