top of page

Ayuda, Ipamamahagi sa mga Higit na Nangangailangang Pamilya sa MECQ Areas


Photo for illustration purposes only.

Matapos ibalik ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa loob ng dalawang linggo mula August 4 hanggang 18 ay siniguro ng pamahalaan na makakatanggap ang mga higit na nangangailangang residente rito ng ayuda.

Bagama’t matitigil ng halos 15 na araw ang trabaho ng karamihan sa mga naturang lugar bilang hakbang at suporta ng gobyerno sa hiling na “time out” ng mga medical frontliners ay mananatili ang pinansiyal na suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng Bayanihan to Recover as One Bill (Bayanihan 2).

Natapos man ang pangalawang distribusyon ng Social Amelioriation Program (SAP) na hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga residente na labis apektado ng dalawang linggong MECQ ay makakatanggap parin sila ng cash assistance mula sa gobyerno.

bottom of page