Back Riding Ban sa Baguio, Tinanggal Na!
Pinapayagan na muli ang backriding sa mga motorsiklo sa Baguio City ngunit para lamang ito sa miyembro ng immediate family ng drayber at may mga polisiya na kailangang sundin bago ito ipatupad.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kailangan munang kumuha ng certification ang mga residente sa kanilang mga barangay na nakasaad ang pangalan ng drayber, plate number ng motorsiklo at mga inaasahang pasahero bilang patunay na sila ay miyembro ng immediate family.
Sa naging pag-uusap ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at city council ng lungsod ay inilatag nila ang pag-angat ng backriding ban at tanggalin ang miyembro ng immediate family bilang backriders sa polisiya ng ahensya sa kanilang lugar.
Pinaalalahanan naman ni Magalong ang lahat ng motorcycle drivers na sumunod sa umiiral na batas at local policies ng lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.
Ikinonsidera naman ito ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil aniya mas higit na nakakaalam ang mga local government officials sa ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan.
