Back-Riding sa Motorsiklo, Malapit nang Aprubahan!


Photo for illustration purposes only.

Nalalapit na ang pag-apruba ng Malacañang sa pagpapatupad ng back-riding o pag-angkas sa mga motorsiklo sa kabila ng kasalukuyang pandemyang kinakaharap ng bansa.

Nakikipagtulungan ang technical working group gaya ng Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagbuo ng mga panukalang susundin sa muling pagpapatupad ng angkas sa motorsiklo at epektibong paraan upang bumaba ang transmisyon ng COVID-19 sa bansa.

Inabisuhan naman ni Presidential spokesman Harry Roque ang publiko na maghintay sa mga susunod nilang anunsyo patungkol dito.