• Estephany Rivera

Backpack Barrier ng Angkas, Inaprubahan ng IATF


Photo from Angkas/DILG

Aprubado ng National Task Force for COVID-19 ang isinumiteng design ng Angkas, motocycle taxi service company, na isang plastic barrier para sa motorcycle backriding na pwedeng isuot na parang isang backpack.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isusuot ng driver ang straps sa kaniyang balikat at mayroong plastic shield na maghihiwalay sa drayber mula sa pasahero. Samantalang pwede naman humawak sa mga handles sa gilid ang pasahero.

Ang kumpaniya ang nagpanukala ng paggamit ng plastic barriers bilang safety measure upang makapagpatuloy na ito sa operasyon.

Iginiit naman ng gobyerno na walang prankisa ang Angkas upang mag-operate at nag-expire na ang programa nito para sa motorcycle taxi services noon pang April.

Dalawang design pa lamang ang naaaprubahan ng IATF— ang mga panukala ng angkas at ni Gov. Arthur Yap.