Backriding ng Walang Barrier, Pwede na sa mga Magkasama sa Bahay

Pinapayagan na ng National Task Force (NTF) against COVID-19 ang pag-aalis ng plastic barrier sa mga motorsiklo kung ang mga nakasakay dito ay magkakasama sa bahay sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Gayunman nilinaw ni Joint Task Force Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kinakailangan pa rin ang plastic barriers, ayon sa disenyo ng Angkas, para sa mga magpipillion-riding o backriding kung hindi nakatira sa iisang bahay ang mga ito.
Pinaalala din ni Eleazar na kailangang privately-owned ang motorsiklo at hindi inarkila lamang.
Dagdag pa niya, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face masks para sa mga nakasakay sa likod ng motorsiklo at haharap sa awtoridad ang nga lalabag ng health measure.