• Estephany Rivera

Bagong Bullet Train sa Japan, Kayang Tumakbo Kahit pa may Lindol


Inilunsad ng Central Japan Railway Co. (JR Central) ang pinakabagong N700S bullet train, ang kauna-unahang all-new train ng ahensiya na kayang ligtas na maghatid ng pasahero kahit sa kasagsagan pa ng lindol.

Ito ang kauna-unahang tren na mayroong lithium-ion battery self-propulsion system na magpapaandar sa tren umandar kahit na walang kuryente at papayagan itong makarating sa mas ligtas na lokasyon kung sakaling matrap sa isang high-risk area tulad ng tunnel o tulay kapag may lindol.

Ang upgraded automatic control at braking system at ng bagong tren ay magbibigay-daan din sa mas mabilis at mas ligtas na pagtigil nito kung sakaling may emergency.

Maliban sa mas mabilis at mas mapayapang andar nito, idinagdag din sa N700S ang mga newly-designed reclining seats, individual power outlets kada upuan, nakakarelax na interior lighting, overhead baggage racks, at iba pang features.

Ito ang kauna-unahang bullet train model na idinagdag sa Tokaido Shinkansen line ng JR Central sa loob ng 13 taon.

Sinabi ni JR Central's Bullet Train Business Department Deputy Head Masayuki Ueno na ang bagong standard na itinakda ng N700S ay makatutulong sa overseas expansion ng kumpaniya.