Bagong Dropbox Enrollment System, Inilunsad ng DepEd

Maliban sa online enrollment, sinimulan na rin ng Department of Education ang dropbox enrollment upang makatulong sa mga magulang na walang internet access o ibang paraan komunikasyon sa paaralan ng kanilang mga anak.
Sa ilalim ng bagong sistema, maglalagay ang ahensiya ng mga dropbox kiosks sa mga barangay halls o schools kung saan pwedeng ihulog ng mga magulang ang kanilang Learner Enrollment Survey Forms (LESFs).
Ayon sa DepEd, nakipag-ugnayan na umano ang ahensiya sa iba’t-ibang regional offices upang masiguro ang ligtas at maayos na implementasyon ng dropbox enrollment system.
Siniguro naman ng DepEd na mayroong mga signages na susundan ang mga tao para sa physical distancing kasama ng mamimigay ng personal protective equipment ng ahensiya sa mga school administrators at barangay officials na tutulong sa proseso.