top of page

Bagong Ebola Outbreak, Naitala sa Democratic Republic of Congo


Photo is for illustration purposes only.

Apat (4) na ang naiulat na patay nang dahil sa Ebola virus disease (EVD) sa Democratic Republic of Congo na nilalabanan din ang deadly fever epidemic o eastern epidemic at coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kinumpirma ni Congo Health Minister Eteni Longondo ang ikalabing isang Ebola outbreak sa bansa matapos magpositibo sa sakit ang apat na nasawi mula sa probinsiya ng Mbandaka.

Sinabi ni Longondo na agad silang magpapadala ng bakuna at iba pang gamot sa lugar ng outbreak at siniguro ang publiko na may kaalaman na ang mga residente kung paano tugunan ang sakit dahil dati na itong naranasan.

Ang huling Ebola outbreak sa Congo na pumatay ng 33 tao ay naitala mula Mayo hanggang Hulyo noong 2018.

bottom of page