Bagong Galaxy ‘Wolfe Disk’, Natuklasan
Natuklasan ng mga astronomers, gamit ang Atacama Large Millimeter/submillimeter Array ng telescopes sa Chile, ang isang bagong disk galaxy na pinangalanang Galaxy DLA0817g o ‘Wolfe Disk’.
Ayon sa obserbasyon ng mga astronomers, ang kalawakan ay 70 times na mas mabigat kaysa sa ating Araw at umiikot ng 170 miles per second, at hinihinalang nabuo 12.5 billion years ago.
Sinabi ni University of California Astronomy Professor J. Xavier Prochaska, na co-author ng pag-aaral, hinihinalang nabuo ang galaxy sa pamamagitan ng steady accretion of cold gas o cold accretion ngunit patuloy pa rin pag-aaralan ang pagkakabuo ng kalawakan.
