Bagong Quarantine Facility sa Maynila, Binuksan na!

Binuksan na ang ika-12 at huling quarantine facility sa lungsod ng Maynila sa Gen. Gregorio del Pilar Elementary School sa Tondo para sa mga posibleng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Binubuo ng 8 tents ang ika-12 na quarantine facility at mayroong 48 beds para sa mga inaasahang pasyente.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, gagamitin ang pasilidad para sa mga magpopositibo sa COVID-19 gamit ang rapid test kits mula sa ahensya ng Department of Health (DOH) at gayundin sa mga hindi magpopositibo ngunit makikitaan ng sintomas ng sakit.
Umabot na sa 500 COVID-19 patient beds ang kabuuang bilang sa lahat ng binuksang quarantine facilities ng city government ng Maynila, higit ito sa inaasahan nilang target.