Bagong School Year ng DepEd Posibleng Gawin sa Agosto

Updated: Apr 24

Posibleng sa buwan na ng Agosto magsimula ang bagong school year ng Department of Education (DepEd)

Itoý batay sa naging konsultasyon nito sa kanilang mga stakeholders sa buong bansa.

Bagama't sa buwan ng Agosto ang posibleng pagsisimula ng klase, inaasahan din ng DepEd na mangyayari ang pagtatapos sa orihinal nitong buwan at masusunod ang school days na hinihingi ng batas upang matuto ang mag-aaral.

Kaya naman, pag-aaralan ng kagawaran ang posibilidad na implementasyon ng Saturday "stay-at-home" classes.

Binigyang linaw naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na nasa rekomendasyon parin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at desisyon ng pangulo kung kailan magbubukas ang klase.