Bagong Species ng Carnivorous Dinosaur, Natuklasan sa Argentina

Isang bagong species ng maliit na carnivorous dinosaur ang nadiskubre sa isang archaeological dig, na pinangunahan ng La Matanza University, sa probinsiya ng Rio Negro sa Argentine Patagonia, Argentina.
Ayon kay Argentine Natural Sciences Museum Researcher Matias Motta, ang winged dinosaur na pinangalanang Overoraptor chimentoi daw ay malayong kamag-anak ng mga ibon at kabilang sa Madagascan species na Rahonavis.
Ang unang labi ng dinosaur ay natagpuan noong 2013 at mas marami pa ang nahukay noong 2018.
Naniniwala naman ang mga mananaliksik na maaaring hawak ng bagong tuklas na prehistoric animal ang sagot sa ebolusyon ng mga ibon.