Bagong Species ng Orchid Natuklasan sa Palawan

Nadiskubre ng isang grupo ng scientists ang pangalawang species ng helmet orchid, na pinangalanang Corybas circinatus, sa limang lugar sa Palawan.
Ang orchid, na inilathala sa global scientific journal Phytotaxa noong ika-27 ng Mayo, ay natuklasan sa Mt. Bloomfield at Mt. Bahile sa Puerto Prinsesa, Mt. Mantalingahan sa bayan ng Rizal, Mt. Victoria at Sultan Peak sa bayan ng Narra.
Sinabi ng isa sa mga mananaliksik na si Rene Bustamante ang natuklasang helmet orchid ay isang patunay lamang sa malabong at malusog na biodiversity ng Palawan.
Umaasa din si Bustamante na magbibigay ito ng inspirasyon sa makabagong henerasyon upang pangalagaan ang natural na yaman ng Palawan.