Bagong Swab Testing Centers, Mangangailangan ng 1,500 Workers
Upang maayos na mapatakbo ang mga bagong mega COVID swab testing facilities sa Metro Manila at Bulacan, kinakailangan ng nasa 1,500 manggagawa ng gobyerno ayon kay Presidential spokesman Harry Roque Jr.
Kabilang dito ang mga health workers, swabbers, encoders, at bar coders. Nanghingi naman ng government employees ang Malacañang sa mga ahensiya na maaaring i-deploy sa swabbing at quarantine centers.
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 Response Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na mabibigayng prayoridad ang mga nasa quarantine facilities at agad namang makakauwi ang mga nagnenegatibo sa virus.
Inaasahan naman ang pagdating ng mahigit 40,000 overseas Filipino workers (OFWs) ngayong Mayo hanggang Hunyo.
