top of page

Bagong Task Force Kontra COVID-19, Nakatakdang Ilikas Pauwi ang mga OFW mula Sabah


Sabah, Malaysia

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtalaga ang gobyerno ng isang task force upang ilikas pabalik ng Pilipinas ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kasalukuyang nasa Sabah, Malaysia.

Nasa mahigit 5,300 na kababayan natin ang inaasahang mabibigyang serbisyo ng mga byahe mula June 30, na maglalaman ng nasa 400 katao kada 15 araw.

Samantala, ililipat naman sa Zamboanga City upang sumailalim sa quarantine ang mga OFW galing Sabah, sa pakikipagtulungan ni Mayor Beng Climaco at ng local government unit nito.

Pinangungunahan ng Deparment of Social Welfare and Development, Department of Health, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Bureau of Quarantine ang task force group na ito.

bottom of page