• Estephany Rivera

Baguio Artists, Nagtulong-tulong sa Paggawa ng PPEs para ng mga Basurero

Nagtulong tulong ang mga local artist ng Baguio city upang makapag-abot ng tulong na pagkain sa mga medical frontliners at makagawa ng personal protective equipment para sa mga basurero.

Para sa sculptor at fashion designer na si Laydeh Alberto at performance artist na si Francis Siapno o mas kilala sa alias na Miz Kiki Krunch, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang mga basurero walang pagod na naglilingkod sa Baguio City.

Sa tulong ng donation drive, na dapat ay para sa one-man drag queen show sa kaarawan ni Miss Kiki, nakapagbigay na ng relief packs na nagkakahalagang P60,000 sa jeepney drivers ng Baguio at La Trinidad, tulong sa utility workers ng city hall at University of the Philippines-Baguio, at ang natitirang budget ay gagamitin sa paggawa ng PPEs para sa basurero.

Ayon kay Kiki, ang mga artists na ‘di kayang magdonate ng cash ay nagbigay ng kanilang crafts at produkto para maibenta kung saan ang pera na makukuha ay paupunta sa donation drive.


5 views