Bakuna Laban sa COVID-19, Isasailalim Muli sa Human Trial ng mga Military Researchers sa China

Sa pangunguna pa rin ng China sa pagtuklas ng bakuna kontra COVID-19, aprubado na ang isang Chinese Military Institute na suriin ang kanilang vaccine at isailalim ito sa human trial sa ikalawang pagkakataon.
Bagaman wala pang kumpirmadong gamot na nakalabas sa merkado, isa ang bakuna na gawa ng Academy for Military Service (AMS) sa higit-kumulang 12 na bakunang nasa pananaliksik ngayon, ang pinayagang sumailalim sa trial ng National Medical Products Association ng China.
Pinangalanang ARCoV ang bakunang at gumagamit ito ng mRNA technology, kaparehong pamamaraan na ginagamit ng mga bakunang pinoformulate sa United States at Germany.
Bago ito, wala pang mRNA ang pinayagang sumailalim sa trial sa buong China.