Bakuna ng mga Bata, Hindi Dapat Balewalain
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na may anak na nasa edad limang taong gulang pababa na huwag isawalang bahala ang pagpapabakuna sa mga bata upang lumakas ang imunisasyon at resistensiya ng katawan ng mga ito laban sa iba’t ibang uri ng sakit.
Ang bakuna ay isang paraan upang makaiwas sa mga sakit gaya ng polio, tigdas, tetano, diphtheria na maaring mag-sanhi sa pagkamatay ng isang bata.
Sinabi ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire na mas mainam kung mabibigyan ng angkop na bakuna ang mga bata lalo na’t laganap ang COVID-19 ngayon sa bansa.
Ngayon ay ipinagdiriwang ang World Immunization week na magtatapos sa Abril 30.
