‘Balik-Probinsiya’ Program, Ipapatupad Na
Pinirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang Executive Order 114 o ang ‘Balik-Probinsiya, Bagong Pag-Asa’ program na naglalayong tulungan ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ayon kay Duterte, makatutulong ang programa na mabalanse ang pag-unlad sa parehong pambansa at panlalawigang antas, maibsan ang congestion sa Metro Manila, at makalikha ng job opportunities sa rural areas.
Hiningi din ng pangulo ang pagbuo ng isang konseho o ahensiya na hahawak at sisiguro sa maayos na magpapatupad ng programa.
Iniatas naman ni Duterte ang transportasyon at relocation ng mga ‘Balik-Probinsiya’ volunteers sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang mapabilis ang pag-uwi ng mga ito.
