‘Balik Probinsya, Balik Pag-Asa’ Program ng Palasyo, Ibabalik na!

Ibabalik muli ng Malacañang ang ‘Balik Probinsya, Balik Pag-Asa’ program sa mga kababayan nating stranded parin hanggang ngayon sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na mas maganda ang buhay sa probinsya sa kabila ng pandemyang nararansan ng buong bansa dahil aniya maaring kang magtanim, mangisda at hindi ka magugutom.
Hinihintay na lamang ang kapasidad ng mga probinsya sa pagkakaroon ng sariling swabbing centers at testing laboratories para sumailalim ang mga ito sa isang pagsusuri bago sila umalis ng Metro Manila at gayundin pagdating sa kanilang mga probinsya.
Makakatanggap naman ng cash, education, health, livelihood at housing assistance ang lahat ng magbabalik probinsya upang doon ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng kasalukuyang umiiral na COVID-19.