Bamboo Disinfectant Dispensers, Gawa ng DOST-FPRDI


Photo from www.pna.gov.ph.

Gawa ng Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ang hands-free disinfectant dispensers gamit ang produksyon ng bamboo o kawayan.

Matapos pumatok sa publiko ang bamboo face shields ay naging daan ito upang mas paigtingin ng ahensya ang produksyon ng kawayan at makagawa ng hands-free disinfectant dispensers na may kasamang footh bath sa ilalim.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, malaking tulong ang paggawa ng mga produktong mula sa kawayan bilang proteksyon kontra sa patuloy na paglaganap ng sakit at upang matulungan ang mga local bamboo and abaca growers sa bansa.

Samantala, sa pakikipagtulungan ng local government ng Cabuyao, Laguna, kasalukuyang nagsasagawa ang DOST-FPRDI ng isang malawakang produksyon ng bamboo face shields.