top of page

Bao ng Buko, Ginamit na Face Mask ng Isang Mangyan


Nagviral sa isang social media site ang litrato ng isang 70-anyos katutubong Mangyan sa Oriental, Mindoro na suot ang isang baong inukit sa hugis ng face mask at visor bilang proteksyon nito sa COVID-19 habang tumatanggap ng ayuda.

Ayon kay Bapo Lido, isinuot niya raw ang bapo dahil mandatory na ang pagsusuot ng face masks at wala siyang perang pambili ng nasabing protective equipment.

Ginamit naman ng photographer na si Jerome Lorico ang picture litrato ni Lido bilang panawagan sa pagsugpo ng korupsyon at hindi pagkakatapantay-pantay ng mga mamamayan sa bansa.

Maraming netizens naman ang nagparating ng kanilang pagkaantig at lungkot sa litrato ni Lido.

bottom of page