Bar Examination 2021 gagawin sa labas ng National Capital Region (NCR)

Inanunsiyo ng SC na sabay gaganapin ang Bar exams sa Metro Manila at Cebu City upang mabawasan ang gastos ng mga law graduates na mula pa sa ka-Bisayaan at Mindanao.
Sinabi naman ni Associate Justice Marvic Leonen, sa kaniyang keynote address sa 2019 Bar oath-taking noong Hunyo, isasagawa ang examinations ng hindi mas maaga sa Pebrero.
Sa kabilang banda, matagal nang isinusulong ni Lawyer Baldomero Estenzo, dating dean ng University of Cebu School of Law, ang regionalization ng Bar exams at nagsumite ito ng petisyon sa SC noong pang 2007.
Aniya, mas magiging pantay umano ang tyansa ng mga provincial bar candidates para maipasa ang nasabing examination dahil mababawasan ang kanilang gastos at pagod sa pagpunta sa NCR.
Sinabi naman ng SC na iaanunsiyo na lamang daw ang provincial venue ng Bar exams sa Cebu City.