• Tj Ovivir

Barangay Disiplina Brigades, Nais ipatupad ng DILG


Photo from DILG.

Kasabay ng proyekto ng gobyerno na "BIDA ang may Disiplina”, hinihikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na mag-organisa ng "Disiplina Brigades".

Ayon sa kalihim ng kagawaran na si Secretary Eduardo Año, ang mga Barangay Disiplina Brigades ay aaksyunan ng mga residente sa isang lugar, gaya ng mga barangay tanod at paalalahanan ang mga tao na sundin ang nga health standards and protocol at maglalapat ng multa sa mga susuway.

Tunguhin nito na magturo ng disiplina sa mga Pilipino gamit ang B.I.D.A: B - Bawal walang mask; I - I-sanitize ang mga kamay, iwas-hawak sa mga bagay; D - Dumitansya ng isang metro; and, A - Alamin ang totoong impormasyon, ayon sa mga opisyal ng DILG.