Barangay Lockdowns Ipapatupad Dahil sa 2nd Wave ng COVID sa Pinas
Posibleng limitahan na lamang ng pamahalaan sa mga barangay ang pagkakaroon ng lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid 19.
Ito ang iniulat ni Chief Implementer of the National Policy on the Coronavirus Carlito Galvez, Jr. kay President Rodrigo Duterte, kung saan na nakikipag-ugnayan na ang aniya ang ahensya sa Department of Internal and Local Government sa pagpapatupad ng barangay lockdowns.
Ito’y bunsod ng anunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III, nang tanungin siya sa Senado ukol sa mga magiging hakbang ng departamento laban sa COVID, na kasalukuyang nasa second wave na ng COVID-19 ang bansa.
Ipinaliwanag ni Galvez na ipapatupad na lamang ang lockdown sa mga barangay na mayroong coronavirus cases imbes na sa buong rehiyon upang mapanatili ang galaw ng ekonomiya sa lugar.
Samantala, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, maaaring mag-declare ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang mga local government units (LGUs) sa critical areas.
Idinagdag pa ni Galvez na mag-iisyu ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ng guidelines para sa localized lockdowns.
