BARMM Magtayayo ng Panibagong COVID-19 Isolation Facility sa Maguindanao

Inaasahang matatapos sa loob lamang ng 10 linggo ang pagpapatayo ng panibagong COVID-19 isolation facility ng Bangsamoro Government sa probinsya ng Maguindanao.
Tinatayang P21 million ang aabutin ng itatayong isolation facility na mayroong 900-metro kwadrado ang lawak na nakapwesto sa likod ng Datu Blah Sinsuat District Hospital sa bayan ng Upi.
Ayon kay administrative officer ng DBS District Hospital Mae Bagundang-Sinsuat, nakikipagtulungan sa kanila ang mga engineers mula sa Public Works-Bangsamoro-Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa monitoring ng konstruksyon ng nasabing isolation building.
Kamakailan lamang ay nakapagpatayo ng prototype facility ang gobyerno ng BARMM para sa COVID-19 patients sa Sultan Kudarat na matagumpay na natapos sa loob lamang ng 10 linggo.