Basura sa Karagatan, Ginawang Sining ng Isang Dalub-sining sa Bohol

Artworks ang nalilikha ng isang dalub-sining sa Barangay Laya, Baclayon, Bohol mula sa mga basurang nakukuha nito mula sa karagatan.
Sa facebook post ni Kien Alphe Garsuta, binida ni Pedro L. Angco Jr. ang iba’t-iba nitong obra na gawa sa mga basurang nakukuha niya mula sa karagatan at dalampasigan.
Ayon kay Garsuta, gumagamit si Angco ng iba’t-ibang basura tulad ng mga tsinelas, wires, at plastic na nakakalat sa dagat.
Maraming netizens naman ang namangha kay Angco at nagtanong pa kung paano mabibili ang kaniyang mga artworks.