• Estephany Rivera

Batang Pinay, Wagi sa The Voice Kids UK 2020


Photo from The Voice Kids UK.

Napaluhod sa entablado ng The Voice Kids UK ang 13-anyos Filipina na si Justine Afante nang ianunsiyo siyang kampiyon sa Final round ng TV show.

Ayon kay Afante, hindi raw niya inaakalang siya ang mag-uuwi ng kampiyonato matapos magpakita rin ng kakaibang talento ang kaniyang mga kalaban.

Isa sa mga nakalaban ng dalagita ang 7-anyos na si Victori Alsina na isa ring kapwa Pinay.


Itinanghal ng Pinay ang kaniyang sariling bersyon ng kantang ‘Listen’ ni Beyoncé.

Ipinagmalaki naman ng coach ni Afante na si Pixie Lott ang Pinay at sinabing ang kaniyang pagkapanalo ay bunga ng kaniyang mga paghihirap.

Mag-uuwi si Afante ng £30, 000 papremyo at tatanggap din ng dream holiday vacation sa Orlando, Florida kasama ng iba pang finalists.