top of page

Batang Pinoy at Cultural Dancers Kasali sa Music Video ng Tokyo Olympics


Tampok ang mga bata at Cultural dancers mula Marikina city sa official music video para sa re-scheduled Summer Tokyo Olympics 2020.

Ayon kay award-winning children's film director Rommel "Milo" Tolentino, na siyang napiling magbigay ng video clips sa NHK Japanese Broadcasting Company, Inabot ng dalawang araw ang shooting process at kinailangang mag-ensayo ng mga bata at cultural dancers kasama pa ng paghahanap ng makukulay na costume.

Maliban umano sa Sapatos Festival ng lungsod ng Marikina, ninais din ni Tolentino na i-highlight ang iba pang festivals sa bansa ngunit hindi natuloy dahil sa mga problemang kinaharap sa pag-oorganize ng filming process.

Positibo naman sya na nagustuhan ng mga Japanese producers ang mga naipasang video clips dahil lima sa kanilang mga nakunan ang naitampok sa MV at hiningan pa sila ng behind the scene photos.

Ibinahagi din ni Tolentino na sana raw ay payagan sila na gumawa ng kanilang sariling version pagkatapos ng Olympics lalo na't napakarami nilang nakuhang footage.

Ipinaabot din ng grupo ni Tolentino ang kanilang pasasalamat sa local government ng Marikina City sa tulong na kanilang ipnaabot sa kasagsagan ng filming process.

bottom of page