top of page

Batangas City, Nasungkit ang One Planet City Challenge-Philippines 2020 Title


Hinirang ng World Wide Fund for Nature (WWF) ang Batangas City bilang Philippine winner ngayong taon sa kanilang taunang One Planet City Challenge (OPCC).

Humanga ang global urban sustainability experts sa komprehensibong plano ng siyudad sa climate mitigation and adaptation at ang kanilang mga proyektong base mismo sa mga climate vulnerabilities ng lungsod.

Ayon pa sa WWF Philippines, kamangha-mangha din ang target ng Batangas City na maging kauna-unahang carbon-neutral na lungsod sa Pilipinas.

Sa isang sulat mula sa OPCC team sa Stockholm, Sweden, mataas umano ang marka ng Batangas City sa iba’t-ibang indicators tulad ng political action, climate risk assessment at evidence of action.

Samantala, ipinarating naman ni WWF-Philippines Executive Director Joel Palma ang hanga niya sa Batangas City LGU at iba ang mga lugar na nakilahok sa kompetisyon.

Maliban sa nagwagi, kabilang din ang Muntinlupa, Santa Rosa, Cagayan de Oro, Davao, Dipolog, La Carlota, Pasig, San Carlos, Tagum, Malolos, Parañaque, at Quezon City sa mga qualifiers ng OPCC 2019-2020.

bottom of page