top of page

Batas na Nagdedeklara sa Paggunita ng Bangsomoro Day, Isinusulong sa Kongreso


Photo from Office of Senator Juan Miguel Zubiri

Isinusulong ni Anak Mindanao (AMIN) partylist Rep. Amihilda Sangcopan sa kongreso ang araw ng March 18 bilang pagkilala sa Bangsamoro Day ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at paggunita sa 1968 Jabidah Massacre.

Inihain ni Sangcopan ang House Bill No. 7000 kung saan nakapaloob dito ang ika-18 na araw ng Marso bilang pagdiriwang ng Bangsomoro Day upang gunitain ang pagkamatay ng mga batang lalaki sa Corregidor Island noong 1968.

Ani Sangcopan, unang napansin ng publiko ang Jabidah Massacre noong Marso 18, 1986 nang masagip ng dalawang mangingisda ang isang biktima mula sa isang isla na malapit lamang sa Caballo Island sa Manila Bay.

Dagdag nito, ang Jabidah Masscre ay bahagi na ng kasaysayan ng Bangsamoro na dapat lamang alalahanin kung saan pinagkaisa ang mga grupong Muslim tungo sa katuparan ng kanilang hangarin.

bottom of page