Bawal Parin and Operasyon ng Jeep sa Ilalim ng GCQ

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government na mahigpit pa rin na ipinagbabawal at hindi pa rin papayagan ang operasyon ng mga jeep sa ilang lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngayong Mayo.

Nag-anunsyo ang pamahalaan na bubuksan na ang lahat ng riles, kalye, pantalan at airports ngunit ito ay posible lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ maliban ang partial operation ng ilang public transportations gaya ng jeepney vehicles.

Gayunpaman, magiging mahigpit pa rin umano ang pagpapatupad at obserbasyon ng DILG sa physical distancing o isang metrong pagitan sa bawat pasahero.